SINO ANG MGA TUNAY NA 'BORN AGAIN CHRISTIAN'?


ANG PANANAMPALATAYA AY nagmumula sa pakikinig at pagkaunawa. Ngunit upang maging tunay ang pananampalataya, kailangang ang aral na marinig at gayundin ang pagkaunawa rito ay tama. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pablo nang ipahayag niyang " ang pananampalataya'y nagmumula sa pakikinig, at ang mensahe'y napapakinggan sa pamamagitan ng salita ni Cristo" (Roma 10:17, New Pilipino Version). Kaya, ang tunay na pananampalataya ay nakabatay sa tamang pagkaunawa sa itinuro ng Panginoong Jesucristo na mga "aral na nagmula sa Diyos" (Juan 12:49).

ITINURO NA DAPAT MAGING BORN AGAIN
Ang isa sa mga katotohanang itinuro ng Panginoong Jesucristo na hindi nauunawaan ng marami ay ang nakasulat sa Juan 3:3:

"Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa
iyo, Maliban na ang tao'y ipinganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios."

Napakahalaga ng sinabing ito ng Panginoong Jesucristo dahil bahagi ito ng katotohanang ikaliligtas ng tao. Ang sabi Niya," Maliban na ang tao'y ipinanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios." Samakatuwid, ito ang tanging kaparaanan---na ang tao'y "ipanganak na muli" o maging born again---upang siya'y makakita ng kaharian ng Diyos o maligtas.
Ngunit gaya ng binabanggit sa unahan, may mga taong humantong sa maling pagkaunawa sa sinabing ito ng Panginoong Jesucristo. Ang totoo, nang mismong sabihin ito ni Cristo sa Kaniyang mga kausap ay mayroong kaagad na nagtanong sa Kaniya:

"Paanong maipanganganak uli ang isang tao kung siya'y matanda na? Makakapasok ba uli siya sa tiyan ng kaniyang ina upang ipanganak uli? (Juan 3:3)
Ang nagtanong ay si Nicodemo---isang guro ng kautusan at isang taong kinikilalang marunong. Hindi niya naunawaan kung paano maipanganganak na muli ang tao, lalo pa't matanda na. Para sa kaniya ay imposibleng mangyari na ang tao ay muling maipanganak.
Sa panahon ngayon ay mayroon ding mga taong halos ay nakakatulad ni Nicodemo. Nahulog din sila sa maling pagkaunawa sa sinabi ni Cristo. Sila ang mga taong bagaman sumasang-ayon na kailangan at maaring ipanganak na muli abg tao upang maligtas ay mali naman ang pagkaunawa kung paano ang pagiging isang tunay na (born again).

TAMA BA ANG PANINIWALA NG IBA?
Naniniwala ang iba na sila'y (born again) dahil bunga raw ito ng kanilang pananampalataya kay Cristong Panginoon at pagtanggap sa Kaniya bilang pansariling Tagapagligtas. Sila raw ay nagbagong-buhay na: hindi na raw sila nagsasalita ng masama, naglalasing, nagsusugal, nandaraya sa kapwa, at wala na raw silang anumang masamang bisyo. Mula raw sa pagiging masama ay naging mabuti na sila.
Mabuti na ang tao ay magbagong-buhay at sumampalataya sa Panginoong Jesucristo. Ngunit ito lamang kaya ang dapat gawin upang ang tao ay "maipanganak na muli" gaya ng itinuro ni Cristo?

Mahalagang alamin ang ugat na dahilan kung bakit ang tao ay kailangang maipanganak na muli upang makapasok sa kaharian ng langit. Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo:

"Sapagkat ang sangnilikha ay palalayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makakahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos." (Roma 8:21, Magandang Balita Biblia)
Kung gayon, ang tao'y kailangang maipanganak na muli dahil siya'y naging "alipin ng kabulukan" na sanhi ng kasalanan (Roma 5:12). Ang kasalanan ang naging dahilan kung bakit ang tao ay nahiwalay at itinuring ng Diyos na kaaway (Isa. 59:2; Col. 1:21). Ang kasalanan din ang dahilan kaya ang tao ay tinakda ng Diyos, ang tao ay "babalik sa alabok" (Apoc. 21:8); at ang ikalawang kamatayan ay ang parusa sa dagat-dagatang apoy.

Paano kung sabihin ng tao na siya'y nagbagong-buhay na----na mula sa pagiging masama ay nakabuti na siya? Laya na ba siya sa kabulukan? Hindi pa. Kung magawa man ng tao na tumigil sa paggawa ng kasalanan, ito'y mabuti, ngunit hindi ito nangangahulugang lubos na siyang nalinis sa kasalanan. Hindi rin totoo na dahil lamang sa gumagawa siya ng mabuti ay tunay na siyang Born Again. Pinatutunayan ng Biblia na magagawa lamang ng tao ang mabuti na magbubunga ng kabanalan kung nakakabit siya o naka-ugnay sa punong si Cristo (Juan 15:4,1, 5; Filip. 1:11). Kaya, ang paglaya sa pagkaalipin ng kabulukan ay mangyayari lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa Panginoong Jesucristo.

ANG MGA TUNAY NA (BORN AGAIN)
Paano magkakaroon ng kauganayan kay Cristo ang tao? Sinabi ni Apostol Pablo ang ganito:

"Kaya't ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang: Wala na ang dating pagkatao; siya'y bago na." (11 Cor. 5:17, MB)
Upang magkaroon ng kauganyan kay Cristo, ang tao ay kailangang makipag-isa sa Kaniya. Mahalagang mapansin na ang mga nakipag-isa kay Cristo ay naging "bagong nilalang." Ito ang kahulugan ng pagkapanganak na multi o pagiging (born again) upang ang tao ay makarating sa kaharian ng Diyos.

Sino ang mga tunay na nakipag-isa kay Cristo? Sila ang mga nakasama sa nilalang ni Cristo sa Kaniyang sarili na " isang taong bago"----Siya bilang ulo at ang IGLESIA bilang Kaniyang katawan. Sa harap ng Diyos, si Cristo at ang IGLESIA ay isang taong bago (Efeso 2:15; Col. 1:18). Ang IGLESIA na pinangunguluhan ni Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO na tinubos Niya ng Kaniyang dugo:

"Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood." [ Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng mga kayo ng Eapiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.] (Act. 20:28, Lamsa Translation)

Sapagkat ang tao'y naalipin ng kabulukan dahil sa kasalanan, makalalaya siya sa pagkaalipin ng kabulukan kapag siya'y napatawad sa kasalanan. At "maliban na sa pagkabuhos ng dugo [ ni Cristo ] ay walang kapatawaran" (Heb. 9:22). Dahil dito, maliban na ang tao ay maging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO ay hindi siya magiging tunay na "born again Christian."
Samakatuwid, ang nga tunay na (born again) ay ang mga naging kaanib sa IGLESIA NI CRISTO. Sila ay ipinanganak na muli hindi sa pamamagitan ng tao, kundi sa bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos (I Ped. 1:23). Sila'y nagkaroon ng karapatang maging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasampalataya at patuloy na pagtupad sa Kaniyang mga utos (Juan 1:12-13 MB) na nakasulat sa Banal na Kasulatan.

( By: Villamor S. Queberal)

Mahalagang Malaman ang KATOTOHANAN kaya MAGSURI po.

Locale of Calamba City, Laguna West

-Ka. Jorland Luzada Huelva

No comments:

Post a Comment