Tunay lagi nating kasama ang Diyos sa gawaing ito at tunay may nakalaan Siyang biyaya sa mga susunod.


Nais ko lang po ibahagi ang isa sa mga pagpapatunay ng Ama na lagi natin Siyang kasama sa pagsulong ng mga gawain sa Iglesia.

Tara po basahin natin...




Mayroon po kaming pinuntahan na Barangay malapit sa aming Lokal ( Mga pangatlong barangay mula sa aming barangay ). Yung barangay na yun ay kilala ang mga tao bilang saradong katoliko kaya talagang medyo mahihirapan kami mag-anyaya . Kaya ayun nung magaanyaya na kami dahil may gawain na isasagawa doon sa lugar nila ganito yung mga nangyari. Habang naglalakad kami sa daan para makapamahagi ng Pasugo at maganyaya na rin para makinig sa Bible Study natin , may mga tumpok ng kalalakihan sa daan at masama talaga maningin kahit yung ibang matatanda, pero di namin pinansin yun , tapos maya maya bigla may naghagis sa amin ng sigarilyo na halos kakasindi lang , nagulat kami na may biglang lumipad na sigarilyo sa harapan namin , ayun mga magkakasamang lalaki ulet , wala lang din kaming ginawa kahit medyo naiinis na sa ginawa nila (kasi alam namin wala pa yung ganitong paguusig o pambabastos na ginawa dati sa Iglesia ) . Sa awa ng Ama , marami pa rin kaming naanyayahan nun kahit halos bata pa ,kasi yung matatanda talaga ayaw at yung iba di rin sila natanggap ng pasugo.

Kaya nasabi ko nun sa isip ko ayoko na bumalik sa lugar na to para maganyaya pa. ( alam ko naging mahina loob ko nun )

Pero eto nga , ngayong JULY 25 , 2017. Mamamahagi ulet kami ng pasugo , at may pinagpipilian kaming lugar kung saang dako or barangay mamigay ang aming purok. Habang nagtatanong yung manggawa namin,

Mangagawa : Oh san tayo mamamahagi mga kapatid ?
Kapatid1: dito nalang po tayo sa ibaba sa purok 2
Kapatid2: Doon po tayo ulet sa Barangay na pinuntahan natin dati.
Ako: (nasa isip na sana huwag doon ) Sa ibaba nalang po sa purok 2 , marami rin ako kakilala don )
Mga Binhi: doon nalang po sa dating barangay marami kasi maakay dun.

Kaya ayun pumayag na yung manggagawa namin at don na sa barangay ngang puro saradong katoliko ulet ang punta namin.

Kaya ayun naisip ko na makasama nalang sa ibang purok , pero pinigilan ako ng isang kapatid kasi mababawasan pa raw bilang ng purok namin . Kaya ayun pagkaupo ko sa sasakyan nanalangin na ako na sana ingatan kami at syempre maging matagumpay at samahan kami ng Ama.

So to make the story short , naghiwalay kami yung matatanda sa pailaya nung barangay kung san kami nakaranas ng di magandang pagtrato at kami sa bandang ibaba na naging maayos ang pamimigay namin at okay lahat nung mga tao dun .

Kaya nung bumalik ulet kami sa sasakyan after mamigay , pabalik na rin yung iba naming kasama galing doon sa bandang ilaya at kasama rin nila manggagawa namin , Medyo nagtaka na ako kasi makikita mo talaga yung kagalakan sa mata at muka nila at talagang masasaya. Tapos ayun nga may nakilala silang dating PD4 na 6yrs na raw nawala sa Iglesia at gustong gusto makabalik na sya at ang asawa nya at ang 9 nyang mga anak at ang nasa 30 nyang apo . Tapos nangako pa sya na tutulong sila sa mga gawain at pedeng gawing dako ang bahay nila ng gawain. Tapos malawak rin yung lupa nila na pede raw pagtayuan ng kapilya o barangay chapel ( nung pagdating palang namin bukambibig na ng mangagawa namin na sana makapagtayo ng Brgy. Chapel) , Kaya ayon sobrang saya naming lahat at mukang dininig agad Ama yung kahilingan niya hehe.

Sa araw ng huwebes susunduin sila para sa pagsambang pamamahayag at sa friday naman babalik kami para magsagawa ng gawain doon at nangangako ako na patuloy akong makikipagkaisa , patuloy akong tutulong para isulong ang gawain sa Iglesia.

Kaya sana tayong lahat wag panghihonaan ng loob kasi laging andyan ang Ama at nakikinig sa atin , kay buti mo po Ama sa Iyong ma hinirang ,Purihin ka po Ama!

Makipagkaisa tayo mga kapatid , Huwag nating hayaan na tayo eh naiiwan at walang bahagi. Dahil tunay lagi nating kasama ang Diyos sa gawaing ito at tunay may nakalaan Siyang biyaya sa mga susunod.

^Ka Renz

No comments:

Post a Comment