Hindi pababayaan ng Ama ang mga lingkod niyang anak
July 10,2017 isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan, ang araw na sumubok sa aking pananampalataya at bumago sa aking buhay.
Naghahanda ako non para sa evaluation exam namin nang bigla akong makatanggap ng text mula sa aking ina na nakaconfine daw sa hospital ung kapatid ko. she's 4 years old. syempre tinanong ko po ung mommy ko kung anong sakit ni yannie and sabi sakin nilalagnat daw may rashes tapos may beke ( sa kapampangan). mga oras na hindi ko alam kung uuwi ako o mageeval exam pero ewan parang kusa na lang gumalaw ung katawan ko at umuwi ako ng pampanga. pagdating ko ng hospital (monday) nang makita ko ung kapatid ko nanghina ako hindi ko akalaing ganon pala kalagayan niya nagsusugat ung labi niya namamaga ung pisngi niya. and sabi nang doctor baka may "kawasaki disease daw ung kapatid ko" and medyo mahal daw ung gamutan at kung di maagapan maaring magkaroon ng komplikasyon sa puso ung kapatid ko at nang marinig ko yon gusto umiyak pero naiisip ko kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko. Kahit mahirap sakin na iwan ung kapatid ko sa ganong sitwasyon kailangan ko ding unahin ang pagtupad ko (first tupad ko sa kalihiman sa lokal ng Quiapo). Paguwi ko ng tuesday ng gabi dahil wednesday ng gabi ang tupad ko. Pagpasok ko palang ng apartment bumuhos na ung luha ko iyak na ko ng iyak dahil hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung gagaling ba yung kapatid ko o hindi. So nagsearch ako sa sa google kung ano ba ung kawasaki disease so ayon na nga ung kawasaki disease nung makita ko ung picture sa baba bigla na lang pumasok sa akin ung lokal ng Templo Central lokal kung san ako unang kumuha ng tungkulin bilang kalihim. Bumiyahe ako mula quiapo hanggang Central para don magpanata.
Pagluhod ko pa lang upang manalangin bumuhos na kagad ung luha ko hindi lang dahil sa aking kapatid kundi dahil yon ulit ung unang pagkakataon na nagpanata ako after kong grumaduate. kumuha ako ng tungkulin kalihim nung last year ko nasa pagaaral. Nanalangin ako sa Ama at humihingi ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko bilang kaanib sa IGLESIA NI CRISTO humingi ako ng tawad sa mga panahong nakalimutan kong manalangin sa kanya at humingi ako ng tawad sa mga panahong hindi ako nakakatupad ng tungkulin. Napagtanto ko sa sarili na porket ba nakagraduate na ko at nakuha ko na ung gusto ko hindi na ko magpapanata at ma
nanalangin sa kanya. Sobrang pagsisisi ko noong mga panahong nanalangin ako sa kanya sobra ung pagsisisi ko kung bakit kung kailan lang ako may problema tiyaka ako lumalapit sa kanya. At alam ko sa mga panahong humingi ako ng tulong sa kanya upang gumaling ang kapatid ko alam kong nasa tabi ko ang Ama at alam kong dininig niya ang panalangin ng kanyang Anak.
After ng tupad ko ng miyerkules bumalik ako sa hospital dahil alam ko na walang magbabantay sa kapatid ko dahil tutupad ung dady ko at sasamba din ung mommy ko. After ng pagsamba may kasamang diakonesa ung mommy ko galing ng pagsamba. pinalangin ung kapatid ko at doon na rin bumuhos ung luha namin dahil wala pa nga ung gamot ng kapatid ko at mahirap makahanap. Doon ko naramdaman na tanging ang Panginoong Diyos lang ang makapagpapagaling sa aking kapatid at binigay ko ang buong pusong pananampalataya ko sa kaniya. Kinabukasan nawala na ung rashes ng kapatid ko nawala na rin ung sugat niya sa bibig at yon unang pagkakataon sa loob ng limang araw niya sa hospital na nagsalita siya at humingi ng pagkain. Don ko narealize na kung lubusan mong ibibigay ung pagtitiwala at pananampalataya sa Ama walang imposible.July 14, 2017 eto ung araw na unang ibibigay sa kapatid ko ung gamot na kailangan niya (14 vials ng IV IG) eto rin ung araw ng kapanganakan ng mga kapatid kong kambal na pumanaw na. Alam ko na itinaon nang Ama ang pagkakataong ito upang ipakita sa amin na hindi niya kami papabayaan. Kung wala na sa amin ung mga kapatid ko alam ko na hindi niya kami bibiguin sa pagkakataong ito. At umuwi ako ulit ng quiapo dahil tupad ko kinabukasan. At nagtungo ako ulit sa Templo HINDI UPANG HUMILING KUNDI MAGPASALAMAT SA KANYA
At mismo ngayong araw nato PASALAMAT NG KABATAAN alam kong gagaling na ang kapatid ko at makakasama na namin siya sa paglilingkod sa ating Ama.
SA MGA PANAHONG NAKAKALIMUTAN NATING DUMALANGIN AT MAGBIGAY PASALAMAT SA KANYA. BIBIGYAN TAYO NG PAGSUBOK NG AMA HINDI UPANG PAHIRAPAN BAGKUS AY UPANG LUBOS NA MAKAPAGBAGONG BUHAY AT PAALALAHANAN TAYO NASA ARAW ARAW NA IBINIGAY NIYA SA ATIN NANANATILI TAYONG IGLESIA NI CRISTO AT ITO ANG DAPAT NATING IPAGPASALAMAT SA KANYA
Thanks for sharing brother EJ
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment