SINO ANG MGA TUNAY NA 'BORN AGAIN CHRISTIAN'?


ANG PANANAMPALATAYA AY nagmumula sa pakikinig at pagkaunawa. Ngunit upang maging tunay ang pananampalataya, kailangang ang aral na marinig at gayundin ang pagkaunawa rito ay tama. Ito ang pinatutunayan ni Apostol Pablo nang ipahayag niyang " ang pananampalataya'y nagmumula sa pakikinig, at ang mensahe'y napapakinggan sa pamamagitan ng salita ni Cristo" (Roma 10:17, New Pilipino Version). Kaya, ang tunay na pananampalataya ay nakabatay sa tamang pagkaunawa sa itinuro ng Panginoong Jesucristo na mga "aral na nagmula sa Diyos" (Juan 12:49).

ITINURO NA DAPAT MAGING BORN AGAIN
Ang isa sa mga katotohanang itinuro ng Panginoong Jesucristo na hindi nauunawaan ng marami ay ang nakasulat sa Juan 3:3:

"Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa