Taong 1966-1967 may mga Filipino na nag-migrate sa America. Duon sa Honolulu Hawai, ang mga Filipino ay hindi magkakakilala. May isang kapatid na naglalakad at nadinig niya sa isang bahay na may umaawit ng "Ako'y Iglesia Ni Cristo" duon nagsimula na magkakila sila at nakilala pa nila ang iba pang mga kapatid natin na nanduon. Ang unang pagsasama-sama at pagkakatipon nila ay sa dako ng Oahu, Honolulu Hawai.
Nuong Disyembre 1967 humiling ang mga kapatid natin duon sa pamamagitan ng sulat sa Pamamahala ng Iglesia na magkaroon ng mga pagsamba sa kanilang dako. Ang tugon ng Pamamahala:
"Hindi pupwede, wala akong maipadadalang Ministro sa dako ninyo."
Nang matanggap nila ang liham, muling sumulat ang mga kapatid na nagsasabi,
"Kapatid, papaano po kami maliligtas?"
Kaya nagpasya ang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang kapatid na Eraño G. Manalo na dalawin ang mga kapatid duon at tipunin sa isang dako sa maliit na bahay sa Ewa Honolulu upang pangasiwaan ang kauna-unahang pagsamba sa labas ng Pilipinas. July 27, 1968.
Sumunod na buwan August 18, ay sa San Francisco California.
Mula nuon sumambulat na ang Iglesia Ni Cristo sa iba't ibang panig ng mundo.
Tayo ang buhay na saksi sa katuparan ng HULA ng Dios sa Kaniyang Sugo at Gawain na:
"From the FAR EAST will I bring your offspring and from the FAR WEST I will gather you."
- Isaiah 43: 5 (Moffat Translation)
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;
- Isaias 43:5-6
Happy 104th Anniversary 🇮🇹
And 50th in the West
All Glory to our Lord God!
No comments:
Post a Comment