Nakakaiyak ang litratong ito na nakikita mo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo na nasa paglalakbay kahit na may bagyo.
Ito ang litrato ng Kapatid na EDUARDO V. MANALO ng sagupain nila ang matinding panganib sa gitna ng karagatan, madalaw lamang nila ang mga kapatid na naghihintay sa kanila. Sinuong nila ang karagatan kahit may bagyo at pinagbawalan ng makabyahe ang mga #Ferry dahil sa lakas na rin ng alon at maaring hindi ito kayanin. Walang pinayagan na makalayag, ngunit ng kinausap ng Pamamahala ang opisyal ng coastguard, nagulat ang lahat ng bigla silang pumayag.
Kaya yung sinasakyan lamang ng Ka Eduardo at ng mga kasamang ministro ang nakalayag. Lumayag ang sinasakyang Ferry ng Pamamahala, kahit malalakas ang alon at nakaabang na panganib sa daan, ngunit dahil sa paghawak ng Pamamahala sa magagawa ng Diyos ay nakarating silang payapa sa dako na kanilang pangangasiwaan sa Macau. Ganito tayo kamahal ng Pamamahala kahit nasa matinding panganib ang kanilang buhay ay sinusuong nila marating lamang ang mga kapatid san man sila naroroon. Mahal na mahal po namin kayo Kapatid na EDUARDO V. MANALO.
No comments:
Post a Comment