Madaming nagtatanong kung anong nangyari sa tyan ko, bakit daw ako may hiwa?
August 14,2009 nung nadisgrasya nya ko nun, tinakbo ako sa MCU Hospital.
napakadaming luha ,dugo , pera at oras ang nasayang nung mga panahong yun ,
natatandaan ko pa nun nasa ICU ako, grabe ang pinagdaanan ko nun, sobrang hirap na hirap ako nun , sa lahat nang dumadalaw sakin nun sinasabi ko na suko na ayoko na po hindi ko na talaga kaya dahil naririnig ko nun ung mga kasabayan ko sa ICU, nagiiyakan na ung pamilya kasi namatay ung kamaganak nila , ung iba nadudumi na sa higaan at naiihi, pero pumapasok pa din sa isip ko na gusto ko pang makasama sila mama at papa dapat lumaban ako , dapat kayanin ko to at dapat magpakatatag ako, para mabuhay at mangyari ang gusto ko. Hindi ko din alam kung bakit nabuhay pa ko , kasi yung mga nakakasabayan ko nga dun na pasyente 50/50 lang namamatay na , ako pa kaya na 25/75 ! ang tawag nga sakin ng DRA. Dun SURVIVOR . nung nasa ward na ko.
Pero alam mo , siguro kaya binigyan pa ko ng DIYOS ng second chance na mabuhay , dahil naging mapagpatawad ako nun , kc nung panahon yun at nung mismong oras na yun , pagkagising ko mula sa operation , naguusap- usap sila na ipapahuli ung gumawa sakin nito. Alam mo ba kung anong sinabi ko nun sa mama ko , sinabi ko na “ma wag nyo ng gantihan o ipahuli yun, hayaan nyo na sya. DIYOS na ang bahala sa kanya , wala akong sinisisi sa nangyaring to kundi sarili ko, wag na kayo magsampa ng kaso , pinatawad ko na sya kaya sana mapatawad nyo na din sya . kung nakinig ako sa sinabi nyo na matulog ng maaga hnd sana nangyari to , kung nakinig ako sa inyo na wag ng gumala baka hnd nangyari to” at nanalangin ako nun sa DIYOS , ang sabi ko AMA bigyan mo lang po ako ng pangalawang pagkakataon , magpapakabait ako , at patatawarin ko ang taong gumawa sakin nito, salamat po.
9yrs ago , at ito nagkita ulit kami ng taong to, ang taong to ang dahilan kung bakit muntik na ko mamatay , natigil din ako sa pag-aaral ng ilan taon at ang taong din to ang dahilan kung bakit ang daming naubos na pera , at nasayang na oras !
pero alam mo ba nung nagkita kami , imbes na gantihan sya, ang ginawa ko ay niyakap ko sya , at naiyak sya ! sinabi ko na kalimutan mo na ang nangyari napakatagal na nun wag ka ng magsorry , nuon pa man pinatawad na kita , pero patuloy sya sa pag iyak at humihingi ng tawad , imbes na singilin sya sa nangyari ang ginawa ko lang , sinama ko sya sa church namin at niyaya na makinig sa mga aral ng diyos.
ang sarap lang sa pakiramdam na naipapanatag mo ang kalooban ng isang tao , dahil sa desisyon mo
at lalong napakasarap sa pakiramdam na nakakapag patawad ka.
sa mga mapaghiganting tao siguro ang magiging tingin sakin ang tanga ko , pero wala na kong pakealam dun , basta ako Masaya ako na buhay pa din ako ngayon at naging ok kami ng taong to .
para sa iba napakasama ng taong to , pero para sakin kahit ano pa man ang nagawa nya saking kasalanan , hindi ko iniisip yun ! ganon talaga ang buhay dumadaan minsan sa mabibigat na pagsubok ,
ITO TATANDAAN MO !
hindi kaduwagan ang pagpapatawad, at lalong hindi din basehan ng pagiging matapang
ang pag hihiganti sa kaaway.
siya nga pala si CHRISTIAN RAYANDAYAN
-JGamatan
No comments:
Post a Comment