ANG PAG UUSIG

"Walang nanakit sa Sugo at sa Iglesia ang napabuti."



1. Si Lelang Leleng - kapatid ng lola ng kptd na Manalo. Matindi ang galit nya sa kptd na Manalo. Sa tuwing napapadaan sa tapat ng bahay nya ang kptd na Manalo ay sinisigawan sya ng kanyang Lelang Leleng ng "AYAN NA NMAN ANG DEMONYO ! !" pagkatapos ay dudura sya at biglang magsasara ng bintana. Masakit yun pra sa kptd na Manalo sapagkat nakadama din siya ng pagmamahal at pag aaruga sa kanyang Lelang Leleng noong sya ay bata pa. Minsan, pagkatapos syang pagsarhan ng bintana ng kanyang Lelang ay tumindig sya sa may hagdanan ng bahay nito. Sa naghihirap nyang kalooban ay pagaralgal syang nagsalita, ang sabi nya "Lelang, huwag na kayong mag alala, bukas na bukas din ay hindi nyo na ako makikita" pagkatapos ay umalis sya na nangingilid pa ang luha sa kanyang mga mata at hinahagod ang nagsisikip nyang dibdib. Kinabukasan, ay hindi na nga nakita ni Lelang Leleng ang kptd na Manalo sapagkat si
Lelang Leleng ay ..... NABULAG.

2. si Tonyong Tulya - matindi rin ang galit nya sa kptd na Manalo bagamat sila ay magkababata. Saradong Katoliko ang pamilya nya at taong simbahan na sya mula pa sa pagkabata. Minsan ay nag iinuman sila ng kanyang kaibigan na tga ibang bayan. Dumaan ang kptd na Manalo at ito ay kanyang pinag mumura. Hindi sya pinansin ng kptd na Manalo at nagpatuloy ito sa kanyang paglakad. Kumuha ng malaking bato si Tonyo at ipinukol sa kptd na Manalo, tinamaan ito sa batok at sa tindi ng pagkahilo ay npaluhod sya. Dinuro duro sya ni Tonyo at pinagmumura at ngingisi ngisi pa ang kanyang kasama. Maya maya pa ay sumusugod si Amang Mode na may dalang mahabang itak , hindi pa sya Iglesia noon. Nawala ang kalasingan ni Tonyo dahil sa takot. Tumakas ito at ang kanyang kasama, tumalon sa ilog, umahon sa kabila, at pumasok sa kawayanan. Hindi na sya nahabol ni Amang Mode pero ung kasama ni Tonyo ay hindi na nakaahon sa ilog at hindi na sya nakita noong sya ay hanapin. Magtatanghali na noong makita si Tonyo da kawayanan. Patay na ito, bumubula ang bibig at may apat na kagat ng ahas. Noong isinilid na sya sa ataol ay bumigay ang ilalim ng ataol kaya nahulog ang bangkay ni Tonyo sa sahig. Kaya gumawa ulit ng pnibagong ataol. Kaya lng noong hapon ng burol ay bumagsak naman ang bahay na kinabuburulan. Tumilapon ulit ang bangkay ni Tonyo at may nadamay pang anim na sugatan. Inilipat sa katabing bahay ang burol pero ganun din ang nangyari, bumagsak din ang bahay, tumilapon ulit ang bangkay ni Tonyo at pito naman ang sugatan. Binalak ni ilipat ang burol sa simbahan subalit hindi pumayag ang Pare. Maaring dahil sa takot. At ang bilin ng Pare ay ilibing agad si Tonyo. Dalawang araw na umulan ng malakas kya hindi nailibing si Tonyo. Dalawang araw syang nakaburol sa tabi ng kalsada. At noong libing, wala ang pamilya nya spgkat nsa pagamutan dahil sa pagkakabagsak ng kanilang bahay. Ang nkipaglibing lamang kay Tonyo ay ang kptd Manalo at si Amang Mode w/o d mahabang itak.

3. Kampanya o Pamamahayag ng Biyernes ng gabi. Nagpakalat ng fake news si Padre na dapat silang mag prusisyon, igala sa boong barrio si San Antonio de Padua para makaligtas sila sa napipintong epidemya. Ang prusisyon ay alas 6 ng gabi at ang pamamahayag ay alas siyete. Walang maanyayahan ang mga kapatid sapagkat nsa prusisyon. Noong nagsisimula na ang prusisyon ay biglang sinugod ito ng isang itim na itim na nagwawala at nag aalborotong TORO. Maraming nasaktan, si Padre ay naging baldado habang buhay, bugbog sarado ang rebulto ni San Antonio at wasak ang kanyang karwahe. Wasak ang mga bakod, wasak din ang ilang mga bahay. Karamihan sa nagtakbuhan ay napadpad sa plaza na dako ng pamamahayag. Kaya ang pamamahayag, napuno ng tao, ang may pnakamaraming akay ... ay ang Toro.

4. Pamamahayag ulit . . . para hadlangan ay nagpakalat ulit ng fake news ang simbahan. Darating diumano ang kanilang Kardinal at magbabahay bahay para mag abot ng bendisyon. Maghanda ng masasarap na pagkain sa bahay, ipag anyaya sa mga kaibigan at mag inuman para masaya. At sa gabi ay may Paripa o pa raffle, 100 tao ang mananalo ng 50 piso bwat isa at iba png mlalaking premyo. Konti lng ang tao sa Pamamahayag sapagkat halos lahat ay nsa Raffle. Noong nagsisimula na ang Paripa ay nagsimula na ring magkainitan ang mga lasing. Nagkagulo, maraming sugatan, lima ang patay, en as usual, kramihan sa nagtakbuhan dahil sa takot at kalituhan ay napadpad sa isa pang plaza na dako ng Kampanya. Ang Pamamahayag ng kptd na Manalo punong puno ng mga tao.
pero mayroong absent........ ang TORO
Abangan ang dalawang huling kabanata

Ka Sonnel Ysagun

~Ateng Puting Tupa~

No comments:

Post a Comment