LAHAT NG BAGAY AY NADADAAN SA PANATA


"Para pumanatag ka sa lahat ng sandali ng iyong buhay, buong puso kang sumampalataya sa magagawa ng ating Ama."

Yung tapat na layunin,malinis na isipan at pusong payapa, tsaka mo iusal ang lahat ng pighati at luha ng pagpapasalamat sa Kaniya.

Hindi ka pa nagsasalita nababasa na ng ating Panginoong Diyos ang laman ng puso mo.

Sapagkat ang bawat iyong paghikbi at iyak ay naririnig Niya.

Yayakapin Ka Niya ng mahigpit.
Aalalayan kung mabubuwal,
Papawiin ang iyong pagluha.

Walang makapagpapaliwanag na salita ng kaligayahan ang iyong mararamdaman sa totohanang pananalangin sa Ama.

Huwag kang mawawalan ng pag asa.
Huwag kahit kaunti.

First IGLESIA NI CRISTO Church build in 1914


Ang Kapilya ng Lokal ng Punta

Ang Kauna-unahang Lokal ng Iglesia ni Cristo sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa A.Bautista St. (Ngayon ay F. Manalo St.), Punta, Sta. Ana, Maynila.

Ito ay nasimulan ang gawain na unang ipinagaral ng Ka Felix Y. Manalo noong mga huling bahagi ng 1913 at natatag noong 1914. Ang Kapilya ng Punta ay naitayo noong 1937 dahil sa dumarami ang mga kaanib ay pinagasiwaan ng Ka Felix Manalo sa pagtatalaga ng Sambahan.

Dahil sa pagdami ng mga kaanib na halos di na magkasya sa ginagawa pagsamba ay ipinasaya ng namamahala ng Iglesia na mapagtayuan ng malaking sambahan na inihandog noong 1994.

Sa loob ng maraming taon ay ipinasya na kumpunihin ang sambahan dahil sa kalumaan upang ibalik sa orihinal ng pagkakayari nito ay sinimulan noong huling bahagi ng dekada 90.

Noong 2000 ay pinasinayaan bilang museo upang maingatan ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa nasabing dako. At maibahagi sa mga kabataan ng Iglesia Ni Cristo sa mga susunod na Henerasyon.

Sino kaya sa atin ang makakalimot sa kalunos lunos na nangyari sa Leyte noong kasagsagan ng Yolanda?


Siguradong markado itong lahat sa puso't isipan natin dahil maraming buhay ang na wala, maraming nawalan ng tirahan pati hanap buhay.

Maraming misteryo ang nangyari doon, yung pagkawala ng yolanda funds na parang bula at ang nakakamangha sa lahat ay nakikita nio pong imahe sa baba.

Ito po ay kapilya ng Iglesia Ni Cristo, kuha noong katatapos lang ng bagyong yolanda na sumalakay sa leyte.

Marami ang nagtaka at namangha sa hindi maipaliwanag na pangyayaring ito sa kadahilanang ang lahat ng nasa paligid ng kapilya ay durog ngunit itong kapilyang ito ay nanatiling nakatayong magiting at matibay,tila bagang hindi dinaanan ng super typhoon.

Dito ngaun napukaw ang interes ng isang reporter ng BBC NEWS AMERICA,kahit siya hindi makapaniwala sa balitang ito kaya siya mismo pumunta sa leyte para malaman kung my katotohanan nga ba ang balitang ito,at napatunayan nga nyang totoo ito.Kaya nag tatanong siya kung anong sekreto meron ang Iglesiang ito.

Tanong bakit po nanatiling matatag ang kapilya natin sa kabila ng pinagdaanan nitong unos???

Ano daw po ba ang sekreto natin..

Kayo na po bahalang sumagot sa tanong ni Ian Williams..

When your heart is broken, all you have to do is manalangin

Nagmahal, nasaktan, nagpanata, nag-aral mabuti at ngayon makakagraduate na.

Ilang beses na akong nagmahal at ilang beses na rin akong nasaktan.Naranasan kong mahalin dahil udyok lang ng tropa,naranasan kong iwan nang walang dahilan,naranasan kong maging option,naranasan kong iwan dahil sa distansyang namamagitan at itake for granted pero yung pinakamasakit na naranasan ko?yun yung gawin kang panakip butas.Minsan naisip ko,nabubuhay lang yata ako para masaktan.Pero gayun pa man,idinaan ko itong lahat sa panata.

"When your heart is broken,all you have to do is manalangin" yan ang katagang laging nasa utak ko sa tuwing nabobroken ako.Kayang kayang pawiin ng Diyos ang kalungkutang iyong nadarama kung magpapanata ka at magtitiwala sa kanya Kesa mag emote maghapon,magmukmok sa isang sulok at ubusin ang luha para sa taong nawala mas maiging ifocus mo ang sarili mo sa pag-aaral.Maging masaya kasama ang barkada.Wag mong ipagpalit ang magandang kinabukasan mo at pangarap ng mga magulang mo para lang isang taong nanakit sayo.Nabuhay ka nung wala pa siya at kaya mong mabuhay kahit wala na siya.Life goes on sabi nga nila.Be strong kahit mahirap.Wag mong ipakita sa kanila na affected ka dahil iniwan ka.Ipakita mo sa kanila na hindi sila kawalan.SUCCESS is the best revenge.

Isang bagay na natutunan ko buhat aking mga pinagdaanan,kahit na ibigay mo na lahat ng effort at pagmamahal mo,kahit na gaano ka pa kaganda magagawa ka pa ring saktan ng bongga.Kaya kung magmamahal ka wag mong ibubuhos lahat.Magtira ka para sa sarili mo.
Kaya sa lahat ng mga nanakit sa akin,maraming salamat naging bahagi kayo ng makulay kong mundo at nang dahil sa pananakit niyo,nainspiredakong pagbutihin ang pag-aaral ko.Dinurog niyo man ang puso ko, nariyan ang Ama at muling binuo ito.

SA DIYOS ANG KAPURIHAN!!

-Doliente,Erniejoy A.
Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino
Class Maadhika Batch 2017-2018
©Erniejoy Doliente

In your whole day, give compliments to others


21-Day Act of Kindness Challenge:
They say it takes 21 days for something to become a habit, so we’re challenging you to 21 days of kindness. Take a photo, share it online and use #INCGiving and #21DayKindnessChallenge.

Act No. 2:

"In your whole day, give compliments to others"














#INCGiving, #21DayKindnessChallenge
#DistritoNgCentral

21-Day Act of INC Kindness Challenge


They say it takes 21 days for something to become a habit, so we’re challenging you to 21 days of kindness. Take a photo, share it online and use #INCGiving and #21DayKindnessChallenge.

ACT 1-  For a whole day, show respect to elders by engaging in “pagmamano” or with a handshake for ministers.

Challenge Accepted?

#INCGiving #21DayKindnessChallenge
#DistritoNgCentral

Not sistes by blood but sisters in faith and love

Kaibigan. Kaibigang mula sa Ama. Iba talaga pag galing sa Kanya. Iba talaga pag mula sa Kanya. Alam mong tunay at totoo. Saksi ang bawat sulok ng Kapilya, maging ang mga tawanan na ating pinagsamahan sa Dressing Room, saksi ang Kalihiman sa bawat pagsasamahang ating binuo, saksi ang bawat aktibidad sa ating matibay na ugnayan at saksi ang Ama sa lahat ng bagay na ating pinagsamahan.

Bata pa lang tayo minulat na tayo ng ating mga magulang sa pagtupad ng tungkulin. Kaya't hanggang ngayon magkakasama pa rin tayong tumutupad sa ating banal na sagutin. Ang sarap sa pakiramdam na yung kasama mo noon na tumutupad sa PNK kasama mo hanggang ngayon na tumutupad sa Katandaan.

Pagkakaibigang pinagbuklod ng Ama.

Having this kind of FriendSHEEP

Hindi pababayaan ng Ama ang mga lingkod niyang anak



July 10,2017 isa sa mga araw na hindi ko makakalimutan, ang araw na sumubok sa aking pananampalataya at bumago sa aking buhay.

Naghahanda ako non para sa evaluation exam namin nang bigla akong makatanggap ng text mula sa aking ina na nakaconfine daw sa hospital ung kapatid ko. she's 4 years old. syempre tinanong ko po ung mommy ko kung anong sakit ni yannie and sabi sakin nilalagnat daw may rashes tapos may beke ( sa kapampangan). mga oras na hindi ko alam kung uuwi ako o mageeval exam pero ewan parang kusa na lang gumalaw ung katawan ko at umuwi ako ng pampanga. pagdating ko ng hospital (monday) nang makita ko ung kapatid ko nanghina ako hindi ko akalaing ganon pala kalagayan niya nagsusugat ung labi niya namamaga ung pisngi niya. and sabi nang doctor baka may "kawasaki disease daw ung kapatid ko" and medyo mahal daw ung gamutan at kung di maagapan maaring magkaroon ng komplikasyon sa puso ung kapatid ko at nang marinig ko yon gusto umiyak pero naiisip ko kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko. Kahit mahirap sakin na iwan ung kapatid ko sa ganong sitwasyon kailangan ko ding unahin ang pagtupad ko (first tupad ko sa kalihiman sa lokal ng Quiapo). Paguwi ko ng tuesday ng gabi dahil wednesday ng gabi ang tupad ko. Pagpasok ko palang ng apartment bumuhos na ung luha ko iyak na ko ng iyak dahil hindi ko na alam gagawin ko. Hindi ko alam kung gagaling ba yung kapatid ko o hindi. So nagsearch ako sa sa google kung ano ba ung kawasaki disease so ayon na nga ung kawasaki disease nung makita ko ung picture sa baba bigla na lang pumasok sa akin ung lokal ng Templo Central lokal kung san ako unang kumuha ng tungkulin bilang kalihim. Bumiyahe ako mula quiapo hanggang Central para don magpanata.

Pagluhod ko pa lang upang manalangin bumuhos na kagad ung luha ko hindi lang dahil sa aking kapatid kundi dahil yon ulit ung unang pagkakataon na nagpanata ako after kong grumaduate. kumuha ako ng tungkulin kalihim nung last year ko nasa pagaaral. Nanalangin ako sa Ama at humihingi ako ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko bilang kaanib sa IGLESIA NI CRISTO humingi ako ng tawad sa mga panahong nakalimutan kong manalangin sa kanya at humingi ako ng tawad sa mga panahong hindi ako nakakatupad ng tungkulin. Napagtanto ko sa sarili na porket ba nakagraduate na ko at nakuha ko na ung gusto ko hindi na ko magpapanata at ma
nanalangin sa kanya. Sobrang pagsisisi ko noong mga panahong nanalangin ako sa kanya sobra ung pagsisisi ko kung bakit kung kailan lang ako may problema tiyaka ako lumalapit sa kanya. At alam ko sa mga panahong humingi ako ng tulong sa kanya upang gumaling ang kapatid ko alam kong nasa tabi ko ang Ama at alam kong dininig niya ang panalangin ng kanyang Anak.

After ng tupad ko ng miyerkules bumalik ako sa hospital dahil alam ko na walang magbabantay sa kapatid ko dahil tutupad ung dady ko at sasamba din ung mommy ko. After ng pagsamba may kasamang diakonesa ung mommy ko galing ng pagsamba. pinalangin ung kapatid ko at doon na rin bumuhos ung luha namin dahil wala pa nga ung gamot ng kapatid ko at mahirap makahanap. Doon ko naramdaman na tanging ang Panginoong Diyos lang ang makapagpapagaling sa aking kapatid at binigay ko ang buong pusong pananampalataya ko sa kaniya. Kinabukasan nawala na ung rashes ng kapatid ko nawala na rin ung sugat niya sa bibig at yon unang pagkakataon sa loob ng limang araw niya sa hospital na nagsalita siya at humingi ng pagkain. Don ko narealize na kung lubusan mong ibibigay ung pagtitiwala at pananampalataya sa Ama walang imposible.July 14, 2017 eto ung araw na unang ibibigay sa kapatid ko ung gamot na kailangan niya (14 vials ng IV IG) eto rin ung araw ng kapanganakan ng mga kapatid kong kambal na pumanaw na. Alam ko na itinaon nang Ama ang pagkakataong ito upang ipakita sa amin na hindi niya kami papabayaan. Kung wala na sa amin ung mga kapatid ko alam ko na hindi niya kami bibiguin sa pagkakataong ito. At umuwi ako ulit ng quiapo dahil tupad ko kinabukasan. At nagtungo ako ulit sa Templo HINDI UPANG HUMILING KUNDI MAGPASALAMAT SA KANYA

At mismo ngayong araw nato PASALAMAT NG KABATAAN alam kong gagaling na ang kapatid ko at makakasama na namin siya sa paglilingkod sa ating Ama.

SA MGA PANAHONG NAKAKALIMUTAN NATING DUMALANGIN AT MAGBIGAY PASALAMAT SA KANYA. BIBIGYAN TAYO NG PAGSUBOK NG AMA HINDI UPANG PAHIRAPAN BAGKUS AY UPANG LUBOS NA MAKAPAGBAGONG BUHAY AT PAALALAHANAN TAYO NASA ARAW ARAW NA IBINIGAY NIYA SA ATIN NANANATILI TAYONG IGLESIA NI CRISTO AT ITO ANG DAPAT NATING IPAGPASALAMAT SA KANYA

Thanks for sharing brother EJ

Tunay lagi nating kasama ang Diyos sa gawaing ito at tunay may nakalaan Siyang biyaya sa mga susunod.


Nais ko lang po ibahagi ang isa sa mga pagpapatunay ng Ama na lagi natin Siyang kasama sa pagsulong ng mga gawain sa Iglesia.

Tara po basahin natin...