Payo po sa mga Buklod at malapit ng maging Buklod.
1. Pag galit ang asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit, kung galit siya, hayaan mo muna siya (manahimik ka). Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag papayag na matutulog ng magkaaway.
2. Self control. Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.
3. Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan, ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo (matutong magtiis)
4. Pag may problema, pag usapan nyong dalawa o ng pamilya, (hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalong lalo na wag niyo ih popost sa fb kapag magkagalit kayo).
5. Pag galit siya, marami yang masasabing masasamang salita, wag mong dibdibin, isipin mo na galit lng siya, ang taong galit madalas walang nasasabing maganda (hindi ka nyan pupurihin), galit siya eh. Gawin mo pasok sa kanang tainga labas sa kaliwang tainga. At wag kayong mag sisigawan. (Kung minsan.... lambing lang ang katapat niyan)
6. Laging yakapin ang asawa at mga anak, yan ay nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema at nakaka gaan ng pakiramdam.
7. Ih appreciate mo ang asawa mo, kung pogi/maganda siya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.
8. Pinakamahalaga ang respect at tiwala sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.
9. Maging kaibigan ang asawa, pag may hindi pagkakasunduan, wag hayaang humantong sa sakitan at hiwalayan.
10. Open communication, dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problma hindi pinag aawayan.
AT HIGIT PO SA LAHAT HUWAG KALIMUTAN ANG AMA
DAHIL SYA ANG SENTRO NG INYONG PAGSASAMA.
-ka gwen